Posts

Showing posts from June, 2023

Ang Pagbabago ng Konsepto ng Palakasan sa Larangan ng Isports: Isang Opinyon

Simula noon, tinatawag ko na ang bawat opisyal na laro o pisikal na paglalaban bilang "sports," at hindi ang salin nito sa Tagalog na "palakasan." Sa simula, ang "palakasan" ay tumutukoy sa literal na lakas ng katawan at galing sa kasanayan. Ngunit sa pagdaan ng panahon, ang kahulugan ng "palakasan" sa ating bansa ay lumayo na. Ang dating ideya ng pagkilala sa kapangyarihan ng katawan at husay ay nawala at pinalitan ng paniniwala na ang "palakasan" ay nauugnay lamang sa paboritismo at korapsyon sa lipunan. Malungkot isipin na sa kasalukuyan, madalas na iniuugnay ang "palakasan" sa mga di-patas na benepisyo at pagsusumikap sa larangan ng isports. Ang pahayag na "malakas kasi 'yan kay Juan, kaya nanalo kahit kulang ang credentials" ay nagpapakita ng paggamit ng impluwensiya ng mga taong may kapangyarihan upang itaas ang kanilang sarili o mga taong malapit sa kanila. Hindi na ang talento at kasanayan ang batayan ng