Modernong Maria Clara; Liberalisadong Anyo ng mga Kababaihan

 


Ano na nga ba ang Mukha ng Modernong Pilipina?

Pinalaki tayo bilang alipin ng kasaysayan. Mula sa konsepto ng kahinhinan, at kalinisan palagi nila tayong pinangangaralan. Ngunit ngayon, sa pag ikot ng ihip ng hangin, hindi na tayo ang kababaihang proyekto ng kahinaan. Wala na sa atin ang takot na mahusgahan dahil hindi na tayo nangangamuhan sa gusto ng kalalakihan. Tapos na ang panahong pinipi ang ating mga ideya tulad ng balat nating nakabalot sa saya.

Sinasabing nawala na raw ang imahe ng isang konserbatibong dalaga bilang representasyon ng mga Pinay. Ito raw marahil ay sinyales na liberal na ang mga kababaihan sa bansa. Isa sa mga itinuturing na dahilan ay ang pag usbong ng makabagong sining at media, dahil dito nagdagsaan ang mga modelong naka two-piece at calendar girl. Dumami rin ang mga entry sa “For Him Magazine” o FHM at maging sa mga normal na lugar ay makakakita kana rin ng mga babaeng litaw ang karamihan ng balat.

Pinay Power

Ngayon ay ipinagkikibit balikat na lamang natin ang mga opinyong hindi nakatutulong sa ating pag-unlad. Hindi na tayo gumagawa ng aksyon upang ang bayan ay maaliw. Ang perlas ng silangan ay patuloy parin ang pagkintab, mawalan man ng mga pusong umaalab. May mga bago na rin tayong dibdib na buhay. Ang ilan pa nga ay nakadepende pa sa kung kaya mong kumitil ng buhay.

Bukas na ang mga tao sa kagalingang ipinapakita ng mga kababaihan sa bansa. Ayon sa ulat ng United Nation’s Development Program (UNDP) Gender Empowerment Measure, sa buong Asya, tayo ang nangungunang bansa sa isyu ng pagkakapantay-pantay ng kasarian. Marahil tayo lang ang nagkaroon ng mga babaeng pangulo liban sa mga bansa. Ngayon ay dumarami na rin ang mga kababaihang namamahala sa mga negosyo. Ang iba naman ay nasa posisyon ng gobyerno maging ng sandatahang lakas bilang pulis o sundalo.

 

Open-minded ka ba?

Nagkalat ang mga adbokasiya ng “women empowerment” sa ating bansa, mula sa kaisipang naitatak ng tradisyunal na kultura hanggang sa mailuwal ang modernong Maria Clara. 

Liberated na nga raw ang bansa dahil sa kilos at kaisapan natin ngayon ngunit napag-iiwanan naman tuwing sasabak sa usaping sex. Ngunit ayon sa mga eksperto, nagbago ang mga Pilipino sa pagdating ng modernong komunikasyon na idinudulot ng internet. Paunti-unti, patagong binago ng teknolohiya ang pananaw ng mga bagong henerasyong Pilipina ukol sa sex at pakikipagrelasyon. Maging ang pagiging “pakipot” na itinuturing na magandang kaugalian ng mga dalaga noon, ay nawala na sa atin.

Sa katunayan, maraming kababaihan ang sangkot ngayon sa mga cybersex crime at maging sa mga one-night stands na nagaganap sa mga tagong lugar, madidilim na sulok, laging tago at hindi lantaran.

Dahil ngayon, kahit malaya na nating naipahahayag sa lahat ang ating mga sarili, hindi parin nagbabagong ang barbarong kaugalian ng mga kababayan natin. Nagbago man tayo ng mukha, pananamit, lenggwahe at kasanayan bilang mga Pilipina, hindi naalis ang pangungutya sa mga mata ng kapwa. Magkaroon man ng sexual liberation movement sa bansa, may mga alipin paring nakakulong sa ating konserbatibong kultura hatid ng selyo ng katolisismong dala ng banyaga sa bansa.  

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Kababaihan, ganito tayo Iginuhit ng Lipunan

Puksain ang Barbarong Kasanayan