Posts

Showing posts from March, 2023

Kababaihan, ganito tayo Iginuhit ng Lipunan

  Naging kontrobersyal ang mga katagang “Babae ka lang” sa nakaraang 2022 national election . Umani rin ito ng samut-saring komento at opinion sa ating mga kababayan at ayon nga sa mga dalubhasa, isa itong gender bias statement dahil ibinababa nito ang dignidad ng mga kababaihan. Sa kabilang banda, Bumuhos naman ang suporta sa mga kababaihan matapos lumabas ang mga salitang ito. Hindi maikukubli na ganito inilarawan ng milyon-milyong Pilipino ang mga kababaihan ngayong taon. “Lang” mas maliit pa sa sentimo ang halaga ng salitang kanilang ipinukol sa kapwa nila ng walang konteksto para pagbatayan. Kababaihan,ginawang bagay na walang kakayahan. Ganito sila tinatakan ng bayan, sinelyuhan ang pagkatao ng walang katuturan at idinikit sa kasarian ang salitang kahinaan na tila lahat ng kilos ay nangangailangan ng kaakibat na masasandalan. Kaya naman naglipana ang mga organisasyon, mga grupo ng tao na nagpahayag ng adbokasiya patungkol sa gender equality issue ng bansa. Isa ang Bangsa

Flavors of PSAU: Mga Pagkaing Swak na Swak!

Image
Sa pagbisita sa isang lugar, hindi lang magagandang tanawin, o ang mga taong iyong makikilala ang tumatatak sa iyo. Nag iiwan rin ng kakaibang ala-ala ang bawat amoy, at lasa ng kanilang mga pagkain. Dito sa Pampanga State Agricultural University (PSAU) paboritong tambayan ng mga mag-aaral ang mga food stall sa loob ng unibersidad kung saan tampok ang samu’t saring mga putahe na nakahilera sa daan. Narito ang ilan sa mga pagkaing patok sa panlasa at swak na swak sa ating mga bulsa. Pagkain: Siomai-Java rice Presyo: 40 pesos Lokasyon: Flora’s Store (College of Arts and Sciences) Sa panahon ngayon, paano mo mauubos ang iyong kwarenta pesos? Sagot ko na ang pagkaing kahit banyaga man ang pinagmulan, sa ngayon ay bet na bet na ng ating mga puso at tiyan. Isa itong streetfood na mabibili mo sa iba't ibang hanay. Pero sa PSAU, maari mo na itong gawing ulam na pang bahay. Ano pa nga ba ang iyong hinihintay? Oh my, SIOMAI! Mula alas siyete ng umaga, mga taong hindi magkamayaw sa pila ang d

Puksain ang Barbarong Kasanayan

Image
    Gumimbal sa buong Pilipinas ang karumal-dumal na pagkamatay ni John Matthew Salilig ng Adamson University noong Pebrero 18, taong kasalukuyan dahil sa nakahihindik na hazing bilang welcoming rite sa Tau Gamma Phi fraternity. Bunsod nito, muling umusbong ang takot at pangamba sa mga estudyante, pati na rin ang usap-usapan ng ating mga kababayan patungkol sa kaso. Ngunit hanggang kailan nga ba magiging handog na tupa ang mga mag-aaral sa ganitong anyo ng barbarismo ngayong patuloy na pinahihintulutan ng pamahalaan ang iba’t ibang fraternity sa mga kolehiyo at unibersidad ng bansa? Maituturing na bahagi ng kulturang Pinoy ang hazing na lihim na yumayakap sa karahasan. Sa dinami-rami na ng naging biktima ng ganitong uri ng baluktot na kaugalian, ang hindi ko maintindihan ay tila ba mahina parin ang pwersa laban dito. Dahil sa ganitong isyu, maraming dahilan ang dapat isaalang-alang upang sa lalong madaling panahon, tuluyan na itong matuldukan ng mga kinauukulan. Naging isang mala

Modernong Maria Clara; Liberalisadong Anyo ng mga Kababaihan

Image
  Ano na nga ba ang Mukha ng Modernong Pilipina? Pinalaki tayo bilang alipin ng kasaysayan. Mula sa konsepto ng kahinhinan, at kalinisan palagi nila tayong pinangangaralan. Ngunit ngayon, sa pag ikot ng ihip ng hangin, hindi na tayo ang kababaihang proyekto ng kahinaan. Wala na sa atin ang takot na mahusgahan dahil hindi na tayo nangangamuhan sa gusto ng kalalakihan. Tapos na ang panahong pinipi ang ating mga ideya tulad ng balat nating nakabalot sa saya. Sinasabing nawala na raw ang imahe ng isang konserbatibong dalaga bilang representasyon ng mga Pinay. Ito raw marahil ay sinyales na liberal na ang mga kababaihan sa bansa. Isa sa mga itinuturing na dahilan ay ang pag usbong ng makabagong sining at media, dahil dito nagdagsaan ang mga modelong naka two-piece at calendar girl . Dumami rin ang mga entry sa “ For Him Magazine” o FHM at maging sa mga normal na lugar ay makakakita kana rin ng mga babaeng litaw ang karamihan ng balat. Pinay Power Ngayon ay ipinagkikibit balikat na