Kababaihan, ganito tayo Iginuhit ng Lipunan

 


Naging kontrobersyal ang mga katagang “Babae ka lang” sa nakaraang 2022 national election. Umani rin ito ng samut-saring komento at opinion sa ating mga kababayan at ayon nga sa mga dalubhasa, isa itong gender bias statement dahil ibinababa nito ang dignidad ng mga kababaihan. Sa kabilang banda, Bumuhos naman ang suporta sa mga kababaihan matapos lumabas ang mga salitang ito.

Hindi maikukubli na ganito inilarawan ng milyon-milyong Pilipino ang mga kababaihan ngayong taon. “Lang” mas maliit pa sa sentimo ang halaga ng salitang kanilang ipinukol sa kapwa nila ng walang konteksto para pagbatayan.

Kababaihan,ginawang bagay na walang kakayahan. Ganito sila tinatakan ng bayan, sinelyuhan ang pagkatao ng walang katuturan at idinikit sa kasarian ang salitang kahinaan na tila lahat ng kilos ay nangangailangan ng kaakibat na masasandalan.

Kaya naman naglipana ang mga organisasyon, mga grupo ng tao na nagpahayag ng adbokasiya patungkol sa gender equality issue ng bansa. Isa ang Bangsamoro women Commission sa mga kumondena sa isyung ito. Nagbigay din ng pakikibaka ang grupong Gabriella dahil isa ang partido nila sa nagsusulong ng gender equality sa bansa. Tumulong naman sa paggawa ng advocacy film ang mga kilalang personalidad sa showbiz hindi lamang para sa election pati na rin sa paglingap ng pag asa na mawakasan ang stereotyping at maling paglalapat ng konteksto sa mga tao.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pagpapalakas ng sambayanang sa mga kababaihan. Sumusuporta ang iba’t ibang ahensya, pribadong organisasyon maging ang mga paaralan sa pagsusulong ng Violence Against Women and Children (VAWC) upang mas mabigyan ng sapat na pagtrato ang mga kababaihan pati na rin sa mga bata.

Sa kabila ng lahat, hindi na mabilang ang mga babaeng lider sa Pinas pati na rin ang mga babaeng kasapi ng kapulisan at mga sandatahang lakas. Isa itong ay patunay na malaki ang ambag ng mga babae sa lipunan at hindi sila dapat minamaliit ng kahit sino.

Comments

Popular posts from this blog

Modernong Maria Clara; Liberalisadong Anyo ng mga Kababaihan

Puksain ang Barbarong Kasanayan